“tanga ba anak nyo o sadyang di nag-iisip?”

ok bago ako magpatuloy, uunahan ko na ang mga taong makakabasa nito at maaring maging “destructive critics” pagtapos mabasa itong blog ko. itong blog ko ay nabuo sa aking interpretasyon, at sinulat sa pamamagitan ng opinyon. kaya lahat ng nandito ay isang ekspresyon kung anong meron ang utak ko.

“tanga ba anak nyo, o sadyang di lang talaga nag-iisip?”

yan ang tanong na gustung-gusto kong itanong sa mga magulang ng mga biktima (tanga ata) na napahamak, o nawalan ng hininga sa mga fraternity’s initiation rites. hindi ko kasi maintindihan, karamihan sa mga naging biktima ay ka-edad ko lang (20), at yung iba pa ay mas matanda pa sakin, bilang basehan ang edad, hindi ba sila nakapag-basa ng dyaryo o nakapanuod sa TV patrol na ang laman ng balita ay ang pagkamatay ng mga bibatilyo sa mga fraternity shitness? malamang sa edad nila, imposibleng hindi pa sila nakakapanuod ng kahit anong news program sa TV o kaya nakapagbasa ng dyaryo. kung ganun naman pala, dapat alam nila ang pwedeng kahantungan ng kanilang pagsali sa fraternity –  bakit ganun, ayun sila, nakahiga sa kahong kulay puti na medyo makintab, iniiyakan ng mga magulang at kamag-anak?

hindi pa ako nakakasubok sa kahit anong fraternity’s initiation rite, o kaya hindi pa rin ako nagiging myembro ng kahit anong fraternity. teka lang, susubukan ko munang isipin anu-ano ba yung mga rason bakit gusto nilang mamatay, este pumasok sa isang fraternity.

maari siguro:

1. siya ay isang bakla. naghahanap ng “brotherhood” – para kung may kaaway, may kasamang babanat. di marunong dumiskarte mag-isa laban sa lima.

2. nadadagdagan ang haba ng kanyang bayag, este ang kanyang pagkalalaki.

3. tulungan. tutulungan ka kung may gusto kang banatan, bahala kung ano pang dahilan.

maraming beses na akong niyaya na sumali sa fraternity, tinanggihan ko. kasi alam ko ang pwedeng mangyari sakin. at sinabi ko nagyayaya sakin na takot ako. takot ako sa pwedeng mangyari sakin, kasi alam ko sa fraternity, hindi maiiwasan ang gulo. at kahit hindi mo away o gulo, dahil ka-brad mo, damay ka na. bilang isang rasyonal na tao, bakit ko naman isasama ang sarili ko sa mga bagay na hindi ko naman alam o problema. kung sa banatan lang ang usapan, wala naman saking problema pero dapat mas madalas ginagamit ang instinct ng isang tao, hindi puro animal instinct. tsaka para sakin, hindi kawalan o mababawasan ang pagkalalake ng isang lalake kung hindi ka sasali o tatanggihan mo ang paanyaya ng fraternity.

hindi ko ‘to ginawa para lang bastusin ang mga namatay dahil sa bagay na kaugnay ang fraternity, gusto ko lang i-ekspres ang nasa isip ko. ang pagkakaintindi ko. ang posisyon ko sa usaping fraternity.

bakla ka ba kung kaya mong dumiskarte laban sa lima?

maigsi ba yan kung kaya mong manindigan bilang lalake?

mahina ka ba kung hindi ka nakikipagsuntukan sa mga taong wala namang atraso sayo o hindi naman kaaway mo?

mga tulad kong lalake, UTAK UTAK DIN.

oo nga pala, kung may gustong mag-reak, o kontra sa mga pahaya ko. sige lang, i-comment mo. pero siguraduhin mo lang na detalyado para maunawaan ko ang gusto mong iparating sakin. at kung gusto mo akong hiyain sa pamamagitan ng pag-print screen ng blog ko, go ahead. ito nga pala pangalan ko: Jonathan Eusebio S. Yang, IT student ng Letran College Manila. Post mo sa facebook, o twitter. at i-tag mo ako:

www.facebook.com/akosijesyang
www.twitter.com/akosijesyang

maraming salamat!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s