PBB Teen Edition (2012): Another “Shitness” on the Philippine Television

PBB Teen – Pinoy Big Brother. May isang bahay, tawag ay “Big Brother House/ Ang Bahay ni Kuya” na punung-puno ng mga camera sa kahit anong pwesto o anggulo sa loob ng bahay. Si Big Brother/ Kuya ang “may ari” ng bahay. May mga “random” na tao (a.k.a. “housemates”) na titira o mananatili sa loob ng bahay for about 100 days. Every week or month (di ako sure) may lalabas, ang tawag sa paglabas ay “eviction”. May tagline na “Teleserye ng Totoong Buhay” (source: http://en.wikipedia.org/wiki/Pinoy_Big_Brother).

Ok, siguro naman pwede na yung ginawa kong intro-info about sa PBB Teen. Aaminin ko, noon nakapanuod ako ng PBB, sabihin na natin na isang “season” – kaso panahon pa yun nila Kim Chiu, Gerald Anderson, Matt Evans (afro-kulot pa nga sya dun e) and etc. It was way back on the year 2006, kaya more likely “isip-bata” bata pa ako noon – ang age ko nun ay 12. Yun tipong wala kang pakialam o hindi mo inaalisa yung pinanunuod mo. Ngayon, malaki na ako, turning 20 sa darating na October, 2012 – medyo critical na sa mga bagagy-bagay. Kaya ngayon, sobrang hindi ko mainitindihan kung bakit ang daming tao (ka-edad ko pa) na nahuhumaling/ nababaliw sa PBB.

Bakit ba “I’m not into PBB”? Siguro, napaka-unrealistic (taliwas sa tagline nila na ““Teleserye ng Totoong Buhay”). Bakit napaka-unrealistic? Tinignan ko yung profile ng mga teen housemate dito http://pbb.abs-cbn.com/, at nalaman ko na naglalaro lang ang mga edad nila sa average of 16.53333333. Per teen housemate, tinignan ko yung edad at tinignan ko yung physical appearance para makapagbigay ako ng initial impression – “PARANG HINDI ATA TUGMA YUNG ITSURA NYA SA EDAD NYA”. Tinanong ko yung nakakabata kong kapatid, pinanganak nung April 23, 1998 (kaka-birthday nya lang) na kung sa tingin nya yung isang teen housemate ay masasabi nya na ka-edad nya lang. Sa nakita kong reaction nya, ganito “Totoo?”. Pwede na bang acceptable supporting argument yan? Sige, dagdagan pa natin. Di ba gusto nilang ipakita yung ugali ng mga pinoy teens? E bakit puro artistahin lang ang nasa loob ng bahay, bakit walang kulot at maitim: indigenous, hindi ba sila “pinoy”? Yan yung tanong ng ate nung nagkaroon kami ng “discussion” tungkol dito. Sakin naman, ang tanong ko: paano mo maipapakita yung “totoong sarili” mo kung ikaw ay matatanggal din after sometime. E what if hindi mo pa napapakita yung tunay na sarili mo, natanggal ka na, so yung mga natitirang housemates na lang yung mag-re-represent ng teen population? Tsaka may isa pa akong tanong, within 100 days, magagawa mo kaya talagang mapakita yung sarili mo? Kasi on my perspective, parang nasa loob ka lang ng classroom e – lahat kayo transferee kaya wala kayong kakilala sa loob ng classroom. Right away ba magkakaroon ka ng kaibigan? Ako nga e,nung unang taon ko sa pinaligpatan ko nung high-school, isang buong school year muna ang lumipas bago ako nagkaroon ng ka-close e. PBB, I don’t think so.

Isip bata ako noon, pero bakit yung mga ka-edad ko hanggang ngayon?

Gusto mo akong ipahiya? Ito real name ko: Jonathan Eusebio S. Yang, Information Technology student of Letran College, Manila. Comment mo kung makikipag-argue ka. Sige lang, basta detalyado.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s