Life is about RANDOM CHANCES

Dapat kahapon pa ‘to e, kaso masyado akong maraming ginawa at tinapos kaya di ko nasulat.

“Life is about RANDOM CHANCES” – yan yung sinulat ko sa pirasong papel nung sa Recollection namin. Di ko talaga pinag-isipan kung ano ba talaga yung mga ginamit kong words dun sa statement na yun. Inaantok kasi ako nung mga oras na yun. Pero after a while, it made sense to me. Medyo malalim pala yung sinulat ko. Natauhan ako ng husto nung tinawag ako dahil nabunot ni Father yung papel, asking me to explain what I’ve written. By the way, pagtapos ko ipaliwanag yung sinulat ko, sinabihan nya ako ng ganito “Jes, you’re the man..!” OHA?! HAHAHA.

Whether you’re an optimistic or cynical, a person into romanticism or into realism, a believer or not – you’re life’s chances are still on random. Yung statement ko kahit kanino, o kahit anong paniniwala pwede. Sakto at tutugma. Ang buhay, di naman talaga natin “fully control”, may mga pagkakataon na ang gusto natin di nangyayari, yung mga plano natin di natutuloy. Kahit nga mga scientist e, though on their experiments they computed values, may mga pagkakataon pa rin nag-iiba ang result na kung tawagin ay “serendipity”. Ang buhay ay walang constants or pattern – lahat nagbabago ang tao, ang panahon, ang pagkakataon, ang emosyon, ang pang-unawa, ang kakayanan, ang kulay ng buhok, ang direksyon ng ihip ng hangin, ang hampas ng alon sa tabing dagat. Pwede kang mamatay kahit anong oras, syempre pwede ka rin ma-in love at the same time, pwede kang bumagsak kahit isang buwan ka nang nag-aaral para sa exam mo, pwede ka pa ring matapilok o madapa kahit bente anyos ka na. Lahat pwedeng mangyari sa buhay – at hindi lahat pwede mong malaman kung anong meron bukas.

Random nga kasi. Chances are.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s