Jes Yang is NAIVE

Okay, year 2013 na. Kaya siguro yung idea ng post ko ay katawa-tawa. Siguro nga. Pero sa paniniwala ako, ito pa rin yung TAMA. Maybe I’m old fashioned.

1. SEX IS AFTER MARRIAGE – Nagpapatawa ba ako? Hindi ang sagot ko. Siguro naman alam natin na talamak na ang pre-marital sex among teens. At kung ibabase sa edad, oo – parte ako ng teens. Pero hindi ko talaga maintindihan bakit kailangan ng sex sa isang relasyon na hindi pa masasabing yun na. Ang sex ba ngayon ay isang paraan na para iparamdam o ipakita yung pagmamahal mo sa isang tao? Para sakin hindi. Yes, napaka-sentitive ko sa usapang sex. Naniniwala ako na hindi yun paraan para masabi lang na minamahal mo ang isang tao at sa pamamagitan ng sex, dun mo mapapadama sa taong yun yung love. Maybe iisipin nyong napaka-moral ko. Siguro nga. May tanong kasi sa utak ko,

“Bakit ko kukunin ang pinaka-sagradong regalo ng isang babae sa lalake kung wala pa namang kasiguraduhan na ako nga yung taong para sa kanya?”

Hindi ba love ang respect, sincerity on your words and actions, time and honesty?

2. WALA YAN SA ITSURA, NASA UGALI AT SA PINAPAKITA – Sabi nila yan. E bakit ang dami naming biktima? Siguro nga stereotype masyado. Sorry, sabi nga ng title ng post ko na ‘to, “Jes Yang is NAÏVE”.

Bakit kung gwapo ang lalake, makikita mo agad yung “pagbigay” ng babae?

Nagtatanong lang.

3. KAPAG NAGPAKILALA AKO SA PARENTS KO, GUSTO KO YUN NA! – Buti na lang wala pa akong napapakilalang babae sa parents ko in person. Buti na lang talaga. Everytime na may liligawan akong babae, lagi kong sinasabi sa mga magulang ko yung plano kong yun. Naniniwala kasi ako na pagpapakita ng respeto yun sa magulang. Para sakin, kung ipapakilala ko ang isang babae sa mga magulang ko, gusto ko siya ang una at huli.

Hindi naman sa nananaginip ako, ang sakin lang hindi ba pwedeng seryoso agad sa isang relasyon?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s