Tapos ka na, Congrats!

Siguro late na ‘to masyado. O kaya naman saw-saw ‘tong post ko.

Congrats! Graduate ka na ng college. For sure marami ng bumati sa’yo, kaya nakaka-umay na. ‘Tong post na ‘to ay di para bigyang “acknowledgement” yung mga ginawa mo sa college para makapagtapos – tapos na yun e, move on na. Tignan na natin yung “future” na “Real talk”.

For sure ikaw o marami sa batch mate mo ang nag-eenjoy muna mag “pahinga” kasi nga naman apat na taon o mahigit pa ang ginugol mo sa college – fair enough. Kung gagamit ako ng adjective, ikaw ay isang “unemployed”. Okay lang yan.

Payo ko lang sa’yo:

1. Kung maghahanap ka ng trabaho, wang kang ma-me-mresho, please. Kung iniisip mo na parte ka ng “cream of the crop” ng batch mo kaya dapat mataas ang sahod na makukuha mo sa first job mo, fuck you. Wala ka pang napapatunayan sa labas, marunong ka na mag-demand? Iba ang school sa labas. Isipin mo na lang na ang unang taon mo sa labas ay “charitable work”.

2. Okay lang mag-apply sa mga “big companies”. Malay mo nga naman ma-swertehan mo ang pagpasok do’n. Pero lagi mong tatandaan, experience ang dapat mong makuha after graduation, not the name of the company. Walang kwenta ang pangalan ng kumpanya kung wala ka namang matutunan.

3. Wag mag madali after graduation, mag relax ka lang muna. Wag mong i-pressure ang sarili mo na maghanap ng trabaho, ma fru-frustrate ka lang. Sabi nga ng tatay ko sa’kin dati, kung di para sa’yo, di para sa’yo.

4. Habang naghihintay ka  ng sagot sa mga na-applyan mong kumpanya, mag-aral ka. Yung tipong chill na pag-aaral lang, di katulad sa school.

5. Kapag natanggap ka na sa trabaho, sa unang payslip na makukuha mo, iabot mo sa nanay/tatay mo. It would mean a lot to your parents.

6. Slowly carve your name in the industry.

7. Dream big. Don’t rush. Start small.

Sorry kung kunti lang nabigay kong tips, ayoko kasi gawing komplikado. Enjoy your life outside the four walls of the school.

Oo nga pala, yung mga graduate ng course ng IT – see you around in the industry. Masarap ang pakiramdam na tawagin kang “sir…”

JES Yang, MCP, MS, MCTS
IT Enthusiast

Advertisements

One thought on “Tapos ka na, Congrats!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s